Sinimulan kong masaya ang araw ko noong Huwebes. Bawal maBV. Bawal kasi bukod sa bertdei namin ni Moe, may partey para ke Papa Nald kinagabihan. Pero, ganun talaga sadyang mapait ang tadhana… Dapat magsusulat pa ako para ke Moe nung araw na yon kaso hindi ko na nagawa dahil sa trabaho ko – ang mag magic ng quotation ng exhibition stand! Lech. Hasel ampota. Bukod sa wala pa akong kinakain nung umagang yon, isinama pa ako sa miting-mitingan ni Amo. Edi siempre gora ang empleyado dahil wala naman ako magagawa di ba. Buti na lang puede palang kumain sa canteen ng Knowledge Village at siempre nagpalibre ako sa kanila ng lunch dahil nalimutan ko na bitbitin wallet ko sa sobrang ngarag. Ayus na rin dahil may cheesecake ako! :P Pagdating sa miting-mitingan what do I expect bukod sa sang katerbang kasinungalingan at kahambugan ng Amo ko. Sanay na ko.. Pasok sa tenga labas sa kabila! Kunware masaya ako sa miting! Smile dito, smile don. Handshake dito, handshake don. Haha Ang miting na Flop! Tae kasi yung amo ko, nag set up ng miting di niya inaalam kung anu agenda! Akala namin paguusapan yung ni-rush ko na quotation ng exhibition stand na yan na sobrang nahilo na ko kakacompute makuha lang yung presyo para mabigay sa cliente! Ayun pala, pag uusapan eh yung office interior project na ilang dekada na ata nakapending saken. Shet di ba wala akong dalang bala. Ni hindi ko nga matandaan yung presyo nung project na yun! Buti na lang to the rescue sina Jem. Call a friend na ko sa opis. Tawang tawa pa yung pinoy na receptionist sa opis na yun kase naririnig nya na pinagmumura ko yung mga kasama ko! Haha Nag ra-rant na naman ako sa telepono.. Tss. Bad ko talaga.. Asar lang, approved yung project. Shet busy na naman ako neto pero what to do my friend ganun talaga!
Pagbalik ko ng opisina sabi ko bawal pa rin maBV. Tutal nakabawi naman si Amo eh pinakain naman niya ako at di hinayaang magutom.. Keri na! Forgiven ka na ser! Hehe Ayoko na magdrawing nung hapon na yun. Seryoso, masakit na kamay ko. Di na ata sanay sa trabaho! Haha Kaya superkaduper plurk dito, chat don, at Fezbooking on the side na! Baka malugi ako eh! Haha Alam mo yung pakiramdam na nagrerecharge ng baterya! [: Kaya dalawang minuto pa bago mag alas
Paguwi ng bahay, tinulungan ko muna si Mama Sandy na mag prito ng lumpiang shanghai dahil gudlak naman sa tatlong batch ng pancit na niluto nila di ba! Kaya ako na tumapos nung karir ng shanghai! After non, gudlak sa pawis at sa nanginginig kong kamay! Pasmado na talaga. Kaya nagpahinga muna ako bago mag prep up! Hehe Kamusta naman, dumating na mga bisita ni Pop, ako haggard paren! Kaya napilitan na rin ako maligo kesehodang magdere-derecho na yang pasma na yan! [: Weee i got a feeling... that tonight’s gotta be a good good night!
(back ground music playing)
Alas siete na at chumibog na rin kame! Seryoso, anlaki ng gutom ko pero parang naumay ako sa handa. Andame kasi! Ni hindi ko na natikman yung peyborit kong bangus :[ After ng chibog siempre mawawala ba naman ang sunugan ng baga! Haha You know the drill. Eat then smoke! Namiss ko kayosihan sina Mama Jaq – halos pitong buwan pa yung huling pagkikita namin! Kaya solb! Matapos ang sesyon, sabi ni Pop simulan na ang dapat simulan at huwag na patagalin pa! [: Siyet nung nakita ko yung cooler puno ng yelo at beer parang gusto kong mag swimming sa loob! Haha Uyy Oa! :P
At siempre dahil sa kaadikan, ako na rin nag tagay dahil korni naman kung tig-iisang lata pa kame db! Lez do it pinoy style tutal naman di kame elitista nung gabing yun! Haha Latag ng carpet, bumuo ng bilog ang sasali, at mag Indian seat na! Game Na! Umpisahan na yang Smirnoff Vodka na sabi ni Jem e lasang air freshener dahil apol flavored! Haha Bakit Jem, pati ba air freshener natira mo na?? Whoa, di ko alam un ah! :P Siyet. Di ko maexplain yung feeling na sobrang saya! I’m surrounded with happy and shiny people! Bliss indeed! Planado ko na magpakawalwal nung gabing yun dahil alam kong matagal tagal pa ang kasunod nun at dun sigurado ako! Tutal wala naman masama dahil katabi ko si Kuya Dennis alam ko safe na safe ako! Matapos ang vodka na yan edi si redhorse naman! Gora! Tira lang ng tira habang lahat ng nakapaligid sakin na kaibigan e nagpipicturan! Alam na kinabukasan sobrang candid nung ibang shots! Panget na kung panget, masaya naman! Damuho ka talaga kambal! Hehe Define kaguluhan! Ay eto na yun! Hanggang sa labas ng kwarto eh nasasaway na kame nung mga pana sa kabilang bahay, wapakels!!! Irate much my friend?? (sabay iling ng ulo) Haha Seryoso, ambaho ko na dahil nabuhusan na ko ng beer sa labas! Tas Amoy yosi! Siyet I’m filthy, and I’m loving eeet! Dame ko rin nameet na bagong tao sa kaka-paikot ko ng tagay! Hello, strangers and not-so-strangers alike! Ang random na ng mga topics – music, work, tatu, vaycay plans, piercings, landian, partneran, awardance, awkward moments, chismis ng buhay ng may buhay, mga ganon! Haha E wapakels na tutal malamang sa alamang e wala na makakaalala nun kinabukasan! Natapos ang karir ko bilang tanggera nung lumabas kame at magyosi nila Kambal. Nagpaalam na rin sina Mama Jaq dahil lumalalim na rin ang gabi at lasing na yun for sure! Hehe Buti na lang may pumalit saken na nagpatuloi ng karir ko! Tambay sa labas na ang drama namin para magpababa ng amats – magsunog naman ng baga! At dahil mataas ang demand at kakaunti ang supply napilitan na rin kame hithitin kung anu man meron jan! Haha Naalala ko pang nag yosi ako ng dalawang Esse na magkasabay dahil wala talaga ako malasahan! Taena lasing na ko! Wahahaha Yehey lasing na ako! :P
Pagpasok ko ng kwarto derecho na ko sa kitchen! Alam naa! Una pa lang yan. At habang nagkakape na ako, sabay pasok ni Pop! Wahaha shet namumutla ang tatay ko! Derecho siya ng banio habang bumalik naman ako sa kitchen at patuloy na minahal ang stainless sink. Pangalawa na. Hinintay ko si Pop ng halos trenta minutos para sa turn ko magbanio at makaligo. Ayun parehas lang ang istorya. Pangatlo na yun. Isama mo na ang dumudugo kong hinlalaki dahil sa minahal kong stainless sink sa kitchen. Di ko alam paano ako nasugutan. Yun na ang huli! Salamat sa lahat ng umalalay saken. Grabe sarap ng feeling na inaalagaan habang defenseless na ako. Haha planado ko na talaga yun! Nakakasawa na lagi ako yung nagaalaga eh! Kayo naman! :P At yun na, naramdaman ko na na handa na akong matulog matapos kong maligo ng maligamgam na tubig. Sakto lang. Alam ko nagkakagulo na sila sa baba dahil mukang “chaotic” ang eksena sa
Kinabukasan namulat ako na gutom na gutom dahil halos lahat nga e na-sooca ko na. Kaya naghanap na ko ng makakain! Solb. Wala akong hangover! Pakiramdam ko lang sobrang napagod ako. Masakit ang baga. Gustong kumain ng bulalo at uminom ng malamig na malamig na malamig na 7up. Ang problema nalimas lahat ng handa ni Pop! As in wala na natira. Kaya ang agahan, nauwi sa sinangag, itlog, at kape! Isama na ang pagbalik tanaw sa mga pangyayari! Haha Masaya.
Sobra.
Happy na, abay Birthday Pa!
3 comments:
nyahaha.... ayan pwede nako mgcomment! sus tagal ko hinintay to ah!!!
uu nkakamis tlaga mag inom promis! tpos ung parang nasuka mo n lahat eh gusto mo pang sumuka!!! hahaha
the best ung inom na un!
sana may next time!hihihi
kampay tutS!!!
LABLAB..
yun naman talaga ang masarap pag umiinom eh. yung mawawala ka sa ulirat, di ka nagiisip ng kung anu-anu, walang paki sa usapan, hithit dito, tungga don. tapos ung kinabukasan parang walang nangyari! the best!
mga adik! :P
Post a Comment