Tatlong taon na mula ngayon nang natapos ko ang kursong Arkitektura. Limang taon ng pagbuno sa pangarap na makatapos para maiaalay sa mga magulang ko. Puyat, pagod, gastos, pasma, madugong matematika, at malabong mata - idagdag mo pa ang pagtalikod sa tunay na kaligayahan na akala ko nuon ay balakid sa tinatahak ko. Naalala ko, nung lumabas ang listahan ng mga dyanteng mamartsa sa darating na Marso ng taong yun eto lang ang nasabi ko: Sa wakas, tapos na! Sa wakas... matapos ang ilang latang tracing papers, ilang pirasong lapis, ilang galong tinta, ilang pamburang napudpod, pangkulay na nasaid, at t-square na nabali.
Tatlong taon mula nuon at habang ginising na naman ako ng sakit ko sa kalagitnaan ng mahimbing na tulog, naisip ko naman kung ilang plano na nga ba ng istraktura ang nagawa ko? Tanda ko pang ang kauna-unahang
Kaya napaisip na naman ako, na kahit hindi pa man ako isang Arkitekto [at di ko alam kung manyayari pa yan], kung sa dinami-dami ba ng nagawa ko na plano ng kung anu-anong gusali at istraktura, naitanong ko sa sarili ko: Ako ba may plano na? Para saan? Para kailan? Para kanino?
At dahil mulat ako mula alas dos hanggang alas
Di ko maalala kung bakit ganuon ang naging pananaw ko. Siguro dahil na rin sa mga pagsubok na dumadating habang tinatahak ko ang daan naging malinaw sa isip ko na lahat ng bagay may hangganan. Darating yan at kusang aalis. Puedeng andito lang ako pero bukas wala na. At hindi lahat mapupunta sakin dahil hindi naman lahat ay para sakin. Dapat marunong magparaya at tumanggap. Kaya mas magandang bigyan ng pansin kung ano ang nasa harap ko ngayon. Dahil mas importante ang ngayon kesa sa hinaharap. At papaano ko gagawin iyon, kung ang lahat - nakaplano na...
Kaya sa ngayon ayos lang, agos lang! Ayoko parin lagyan ng


0 comments:
Post a Comment