Sunday, September 27, 2009

Naghihikahos na. Nalunod pa.

Kung puede ko lang bilhin ang bawat patak ng ulan kahapon sa Pilipinas ginawa ko na para makaranas naman ako ng ulan sa disyerto. Kung puede lang palawakin ang dam hanggang gitnang silangan ginawa ko na para umagos ang bahang umaapaw na. At kung puede lang ilipat ang matinding sikat ng araw dito ginawa ko na para naman maibsan ang lamig ng basang damit at katawan ng mga kabayan na umakyat na sa bubungan ng mga bahay nila. At kung puede lang lumipad at suungin ang bagyo ginawa ko na.


Mahirap mapraning. At kamakailan lang ipinagbawal ko na sa sarili ko ang maya’t mayang pagtawag sa Pilipinas, Sa pamilya ko. Ayoko na tortahin ang sarili ko sa bawat pakiramdam na ibaba ang telepono at sasabihin kong: Ba-bye na ingat kayo, Love u chong. Love u Dad. Pakiramdam ko kase lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko. Pero gaya ng lahat ng rules siempre may exemption. At kahapon yon.


Kasabay ng umaapaw na baha, umaapaw rin ang pag aalala ko. Pagaalala ko sa mga kapatid ko na nasa Mandaluyong - na ni-hindi ko alam kung magkakasama ba sila sa bahay nung mga oras na yon. Nagaalala ako kung andun ba si Maxx sa bahay o baka nasa opisina pa. Kung pinasok na rin ba ng baha ang apartment. May stock bang grocery dun. Kumain na kaya sila. Asan si dad? Nasa kaingin pa ba siya o nasa bahay lang. May pagkain ba siya dun kase magisa lang siya. At yung kaibigan kong pauwi galing Bicol stranded pa rin ba. Si Moe may sakit pa...


Naubos ang load ko na si Kuya lang ang natawagan ko. Kaya nung narinig kong sinabi niya na 1.) ayus lang kame, 2.) andito kame lahat sa bahay 3.) baha na pero ayus lang… toooooot. Naputol na ang linya. Nag-isip naman ako ng paraan kung paano ko makontak si Dad. Nakisuyo na rin ako sa kaibigan ko kung sakaling madaan siya ng bahay. Hanggang sa maisip kong tawagan yung kapitbahay namin. Sobrang lumuwag ang pakiramdam ko na nakausap ko na si Ate Guia kaya nagbilin na rin ako. At ang magaling kong tatay, ayun nasa pinakamamahal nyang lupain sa bundok ng tralala. Naibsan lalo ang pag aalala ko nung makausap ko yung dalawang batang makukulit! At lalo ko sila namiss. Here we go again. . . .


Sana kasabay ng paghupa ng baha at ulan sa Pilipinas, at kasabay naman ng unti-unting pag lamig ng klima dito sa Dubai, maging panatag ang kalooban ko ngayon at sa mga susunod pang araw na ilalagi kong malayo sa pamilya at mga kaibigan ko. Isinuko ko na lahat Sa’yo, nawa’y mapagbuklod-buklod mo kame ng pagmamahal mo…


Comfort in Your Strangeness

by Cynthia Alexander

Woke up this morning

I was staring at the ceiling

Cracks and roadmaps and landscapes and highways

I have seen

I have been

To places far and deep in my mind

Only to find

Comfort in Your Strangeness



Ps: Gobyerno, masdan mo... Ibangon mo at patunayan mo!

0 comments: