Pasensiya sa kaligaligan ko at ako’y napapraning lang dahil may mga bagay-bagay na minsan nakakapraning na kaya lika na nga gawin ko na lang ito para hmmm.. Ok Game! Ay teka, may rule pala ito, simple lang! Magsulat ng dalawampu’t limang bagay tungkol saken. Saken lang at wala ng iba! E ayoko ng 25 kase malas yun kaya gagawin kong trenta! Nyaaaahaha
Ok lez get get aw!
1. Mahilig akong magsulat at magdrowing sa kung saan saan. Sa papel, sa mousepad, sa mismong mouse, sa table, sa post its, sa tracing paper, sa monitor, sa papel ng may papel, sa kahit anong malapit saken na puede kong sulatan, sinusulatan ko ng kahit ano: Smileys, rainbows, cherry blossoms, cherry blossoms, cherry blossoms (haha), arrows, stars, kanta, si pacman, mga taong stick na tuma-tambling at kung anu anu pang maisipan ng kamay ko na ibandal…
2. Ayoko na maging arkitekto dahil ayokong mahasel ang buhay ko. Haha Ayoko pero di pa sigurado dahil malay mo may magbago pa.. Malay mo magustuhan ko ulit! Isang bahay lang naman sa tuktok ng bundok ng tralala sa probinsya namin ang gusto kong gawan ng disenyo eh. Yun lang at wala ng iba. Bow.
3. Frustration ko ang music. As in yung orchestra! Saxophone, cello, saka piano! Yan lang naman ang gusto kong matutunan tugtugin. Ang problema, ambobo ko sa nota! Di ko siya nagegets. Ayaw nya saken e kahit gustong gusto ko siya.. Haay.
4. Tamad akong mag sipra sa gitara ng mahihirap na kanta pero kapag bass na pinaguusapan at kahit dumudugo na ang daliri ko at tenga ko kakapakinig ng paulit ulit pinagtya-tyagaan ko. Hehe
5. Muka akong matapang. Muka lang! haha Dahil duwag ako at inaamin ko yun! Takot ako sa dilim pero hindi ako nakakatulog ng bukas ang ilaw. Takot ako sa katahimikan. Takot ako period! Malikot kasi ang imahinasyon ko, kaya siguro ganun. After ko mapanuod ang The ring, hindi na ako nanuod ng kahit anong horror lalo na pag Asians ang gumaganap.
6. Wala akong baby pictures. Hindi ko alam kung baket pinagkaitan ako ng malupit na mundo.. Cute naman ako! Haha Sa pagkakatanda ko, meron akong baby picture na itinatago ko kase nga nag iisa na yun! Tas nawala pa. Kawawang bata.
7. Meron akong 2 tattoos. Isa sa right instep ko, yung kanji ng “faith” - yan ang pinanghawakan ko simula nung umalis ako sa pinas at naghanap ng mga sagot sa mga bagay-bagay. Yung isa sa left forearm ko, 4 fleurdelis na nag form ng cross – kameng apat na magkakapatid yan. Huling tat ko (sana) siguro sa isang taon na dahil gusto ko sa pinas ko na ipapagawa! Tas gusto ko anything na may japanese art! Kung san ko ipapalagay, we’ll see. (We’ll see rin kung tatanggapin pa ako ng mga magulang ko bilang anak nila!)
8. Hindi na ako kumakain ng kanin sa loob ng limang buwan ngayong taon. Di ko feel.
9. Masarap ang feeling ng pinagpapawisan kaya tumatakbo ako sa park tuwing gabi.
10. Dati, na-try ko na gulay lang ang kinakain sa loob ng isang buong taon!
11. Yung mga laro na hindi ko kayang laruin sa video games ko nilalaro like basketball, billiards, surfing, karera ng kotse, saka skateboarding.
12. Ayoko sa centipede. Umiiyak ako pag nakakakita ako nun sa kitchen sink. (Oa baka himatayin pa ko!)
13. May pusa ako sa bahay, Si Nala. Pokpok siya at Luz Valdez na!
14. Payak lamang ang kinagisnan kong pamumuhay kaya hindi ako maluho. Dahil wala rin naman akong ipagluluho.
15. Wala na akong lolo at lola, lahat sila kasama na ni Lord..
16. Pinag-iipunan ko na yung disler na gusto ko, kaso parang trip kong humingi ng birthday gift ke Mudrakels sa Disyembre! Nyahaha Malay mo!!!
17. Hindi ako naniniwala sa genre. Hindi nga ba? Hindi eh. Marame kase akong gustong pakinggan.
18. Ayoko lang ng trance.
19. Kinakagat ko ang fingernails ko. Hindi ko maiwasan eh.. at least hindi toenails (haha pampalubag loob)
20. Mahilig akong kumain ng streetfoods sa pinas! Lalo yung dun sa ilalim ng Mrt sa Shaw! Parang andumi dumi! Ansarap sarap! Beri Hepa B! Haha
21. Ako ang pinaka cautious na taong makikilala mo. Pero, nilabanan ko yun. Hence, The LDR.
22. Marame akong kaibigan (or feeling ko lang) pero wala akong best friend. Ayoko ng labels. Gusto ko equality.
23. Hindi ako maarte. Ayoko ng maraming burloloy sa katawan. Ayoko ng make up. Ayoko ng over dressed. Ayoko lang. Ayoko ng bagay na malaki. Gusto ko simple lang. Laid back lang.
24. Gusto kong magpunta sa Hawaii. At magsayaw ng pearly sheeeells on the ocean with matching costume! FTW!! :P
25. Hindi ako kumakain ng shawarma. *sooca
Saka ng seafoods. Life's unfair.
26. Gusto kong makabili ng pillow case na yari sa twalya! [:
27. Highschool ako unang nakatikim ng kung anu anong klaseng alak. Pero may trabaho na ako nung natuto akong manigarilyo.
28. Miss ko na mag volleyball.
29. Isang math lang ang na-enjoy ko sa tanang buhay ko! At yun ay Reinforced Concrete Principles. Lablab!
30. Nais ko nang umuwi ng pinas for good. Nais ko na makumpleto ulit pamilya ko at nais ko nang makita si Andie! [:
I therefore tag you so I can get to know you more! Haha Hane ngaaaa! Naaaning ako oooh ooh… uh-oh! :P


0 comments:
Post a Comment