May sasabihin ako sayo'ng
sikretong malupet!
Wak ka
maingay ha! [:
May bago akong raruan... Si Juno! Weee!!!!!!!
Juno, say hello to the other side of my world!!! haha Grabe naexcite ako dito. Akala ko kahapon, ipapakita lang saken ni Kuya Dennis 'to after nya makuha sa Lbc. Pero nagulat ako nung sinabe nya na i-uwi ko na daw para mapagpraktisan ko! haha
Edi nadoble lalo excitement ko nun!
Kaya kagabe sinubukan ko na siya raruin! Habang nanunood sila lahat ng Ice Age3, ako naman ay nagiingay sa kitchen. Whoa di pala madali! haha Pero aliw sobra. At sa totoo lang di ko alam bat naaawa ako dun sa practice skin, nafi-feel ko kase yung hapdi nung mga oras na ako rin ang nakasalang! At seryoso namimiss ko na ang sakit na yun! Pero kelangan mag control dahil baka di na ako makatapak sa bahay namin sa Rizal! hahaha Tas pakiramdam ko sasabihin nila saken,
"Lumayas kang Burdado kaaaa!!!" :P
Dapat hihirit pa ako ng cherry blossoms e kaso matutulog na sila lahat kaya tinapos ko lang gawin ang script na yan... Yan talaga dapat ang pangalawang tatu ko na ipapalagay ko sa left wrist ko.. Kaso nagbago isip ko e. Feeling ko kase after nun may "Dad" dapat ako sa right? haha Kaya sabi ko iba na lang..
At dahil alas diyes na at kelangan na nila magborlogs, nagligpit na rin ako. Nilinis si Juno at pumorma na ren sa kama. Impernez, nanginginig na naman ang kamay ko. Napapakanta na ko ng: "Ohh pasmaaa layuaan mo akooo"...huhu masakit sa kamay siyet. Kaya, saksak ng headset at makinig sa playlist. Akapin si unan. Baling sa kaliwa. Sa kanan. Dumapa. At paikot-ikot na. O siyet na yan alas dose na gising parin ako. Waw kundi ka ba naman kase isa't kalahating eng-eng 2ts, alam mo na nga na mag-aalala ka lang sa kanya pinagpraktisan mo pa. Shungaerz ka. Huhu alas dos na gising parin ako. Ginawa ko na lahat hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kung sana ayus lang magingay kame ni Juno dun sa bahay at di sila mabubulahaw sa pagtulog, sana nagpraktis na lang ako kesa natorture ako sa kama.
Epal kahit kelan.
Di na ako tinantanan siyet na yan.
Ewaaan.
Ps: Juno bukas ulit ha... *pilitin ang smile* YII.
3 comments:
galingan mo mameh sa pagaaral niyan!
at ng makalibre din ako ng tats :D
-- canky
binyagan na yan!!! :)
naibenta na nga pala si Juno. :(
pero bibili talaga ako ng Juno ko!
tas praktisin ko sa sarili ko! haha
'chos.
Post a Comment