Usapang hasel. Korek di na naubos. Tila ba hindi matunawan ang mga hasel na yan sa buhay kaya tawanan na lang! Bwahaha. Excited pa naman kame na maghalungkat ng mga lumang damit para maipadala sa Pinas. At sinasabe ko na nga ba eh, Bawal ang maexcite kase kaakibat nun ang hasel at depende sa trip ni hasel yan – puedeng di matuloi o kaya ay maudlot, puede rin sakto bigla na lang may magbabak awt, o kaya naman may magiinarte, at kung anu anu pang dahilan para ikalungkot mo. Ay “ko” pala.
Habang humuhupa ang bagyong Ondoy sa Pinas, sakto, na-baladiya ang nirerentahan naming Villa. Huwaw. Kahit di na bago samen ang ganung eksena nakakapanlumo pa rin! Lilipat na naman ng bahay. Gastos na naman. Pagod at puyat. Pero, hindi na kame nagpatumpik-tumpik pa! Humanap na agad kame ng bagong Villa nung gabing yon. At Voila, meron na kaso hindi pa kame makakalipat gang a-kwatro. Kaya…
Pansamantagal, makikituloy muna kame sa aming itinuturing na Resthouse sa Dubai Marina! Bale, pangatlong araw na namin ngaun doon. At lalo ko namiss ang bahay namin dahil pinili kong sa couch matulog. At salamat sa mabubuting kaibigan! Salamat Lola Ching and Kuya Dru! [:
Unti-unti na rin kame nag aayos sa lumang bahay na lalayasan namin. We are on paking mode! Haha Pak dito pak doon, kahon eberiwer! Paking sa piling ng kandila at mainit na kwarto dahil wala na ngang kuryente di ba. Kelangan maiayos na yung mga gamit namin para sa paglipat. Kaya bring yer paker fez on! Ha ha!
Ano gusto mo pa? Dame pa akong baong kahaselan dito! Gaya ng pagbabyahe ni Jem tuwing umaga dahil sobrang layo na kung mula Marina ay susunduin pa namin siya. Abay malas na lang din siguro na nagkataon kailangan na mapalitan si Teuto [pronounced as Toyto] – ang chedeng na naghahatid at nagsusundo samin sa araw araw. Kaya mantakin mo, wala na bahay, wala pang transpo. E wala na ren kame pera! Ampani mo lang!!! Ha ha!
Pero, mabait pa rin naman ang tadhana at hindi hinayaang mawalan kame ng pag asang makaahon sa lusak! [siyeeet] Haha Pinainit man ng chedeng isyu ang ulo ni Pop, ayus na rin dahil napalitan si Teuto ng brand new Mitsi! Ayus kahit rent a car lang yan ang mahalaga amoy bago! Ha ha!
Napansin ko ren na magaling tumayming yang si hasel. Bago pa man kame mabaladiya, sira si washing machine at hindi pa ako nakakapag laba mula nung sang linggo. Kaya masaklap isiping nakikilaba pa ako kina Ching! At mas masaklap lang isiping kada lilipat kame ng bahay ay ganito ang senaryo sa labada! Napakahusay talaga ng tayming mo men! Yehey.
Mahigit isang linggo na akong hindi nakakatakbo kaya masakit na naman ang likod ko. At magiisang linggo na rin akong on fastfood mode! Hasel pa kase kung magluluto pa kame di
Idagdag na natin na wala pa kaming sahod. Sabagay, walang bago dyan. I-popcorn na lang natin yan habang dumadagsa ang mga rush na proyekto!!!! Ha ha! Tapos parang namimikon lang, ira-rush mo lahat-lahat ayun pala cancelled yung proyekto! Ha ha x millions!
Ano sawa ka na ba sa mga hasel sa buhay mo? Ayus lang, Oktoberfest na eh!
Krimas song na trip ni Jem dito!
Hasel oh! Ha ha! (soocafez)
1 comments:
:(( ganda nmn ng mga xmas songs ko.. ung nga lng boses ipis!!! hahahah
c alvin ba nmn ng chipmunks eh!!! :))
merry xmas and happy birthday!!
lablab!
:))
Post a Comment