And so just now it made a lot of sense! Parang gusto ko lang dugtungan ang nakaraang naisulat ko.. Ang galing lang isipin na everything is falling into the right place… Parang after ng mga hasel na dumating nung nakaraang mga araw isang bultuhan naman binigay ang Happiness.
Thank God for that! [:
Sa mga hindi nakakaalam, isa po akong Puga [kasama ni kambal] sa huling trabaho ko bilang Design Officer sa SM Engineering Division jan sa corporate office sa harap ng Mall of Asia. Puga, ibig sabihin takas kumbaga sa mga preso sa bilibid. In short, AWOL-era. Pitong buwan din ang nilagi ko doon. Mahirap ang trabaho sa Sm as in, dumating sa punto na wala na akong buhay bukod sa trabaho. At bukod sa mahirap ang trabaho masasabi ko rin na bulok ang sistema doon sa loob – oo, mahirap isiping napakalaking korporasyon at sandamakmak na malls ang ginagawa namin taon taon pero ganon talaga eh. Yun ang nakita at naranasan ko. Kaya siguro, ganun na lang din kabilis na naisipan ko at ni kambal na umalis na ng bansa.
Di ko alam, siguro nga dahil nakakasawa na kapag paulit ulit na lang ang ginagawa sa araw araw kaya ganon. Pero, di naman lahat sa Sm e nakakaurat at nakakaumay. Siempre isa sa pinakamagandang bagay na nakuha ko sa kompanyang yun ay ang Pakikipag-kaibigan! Naging iba kasi ang samahan namin nun lalo sa grupo namin sa Design 5. Yung tipong yung ma-aangas dati, natuto makisama. Tas yung mga mahiyain, naging praning na rin tulad namin! Haha Parang lahat nag gel lang bigla… damayan sa inis sa amo, sa project, sa supplier, sa kapwa DO, sabay sabay na puyatan, wokaton sa kahabaan ng corp para makarating ng MOA, kumain ng pansit at sandwich, yosihan sa breaktime, utakan sa papel, laglagan, issue-han, partey-han! Haha At sa totoo lang, kahit gaano kahirap ang trabaho noon naging masaya parin ako dahil alam ko marami akong karamay at hindi ako nag iisa.
Pero, dumating ang oras na kinailangan at pinili kong umalis. Lumayo. At oo alam kong naging madaya ako sa puntong yon. Yung tipong aalis na lang bigla. Nakakainis. Nakakalungkot. Madaya nga ako sa oras na yun! At aminado ako.
Siguro nga, mahirap din na sa loob ng pitong buwan, sa trabaho at sa kanila na lang din halos umikot ang mundo ko. Pero anong magagawa ko kung mas pinili ko na sunggaban ang opportunidad na inihahain na sa harapan ko – na alam kong kung hindi ko pagbibigyan ang sarili ko ay maari ko lang pagsisihan sa huli at pagtakhan kung anu man ang dapat mangyayari. Nagawa namin magpaalam sa lahat ng kagrupo noon. Puera lang sa isang tao, ang pinaka malapit at pinakamalambing na DO na nakasama namin. Alam kong hindi naging sapat na kausapin ko lang siya sa telepono nung madaling araw bago ako umalis. Nag sorry at humingi ng paumanhin at pang unawa. Pero, walang nangyari. Naging mailap na siya simula noon. Walang sulat ko ang nasagot hanggang nag desisyon na ako na tama na. Tutal nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin maganda pang hintayin na lang na maging maayos siya at siguro kasabay noon ay magiging maayos na rin ang lahat. Tuloy lang buhay at maraming nangyare. Maraming nagbago, dito at doon na rin sa pinas at sa sm.
Forgiveness is never easy, bitterness is easy, hatred is easy, but forgiveness that’s a tough one. Sometimes people say things they don’t mean, or do things they can’t take back; sometimes we do things we can’t take back, so we fear ourselves and start the pain. We’ll all figure something.
Ang saya ko na naman
3 comments:
friends will always be friends, pwera lang kung totoong friends nga.... kc kung ndi malabong magkaayos pa kayo.. :)
ang labo ata nung sinabi ko.. haha
yes mam! and yes yer blurry! haha
ayus na yan! yii
basta lang makacomment khit ndi mo maintindihan.. hahaha!
ang urrtheeee naman dito, may word verification churchur pa! (annoyed)
Post a Comment