Wednesday, October 07, 2009

In this school, You are LOVED!

Ang pamosong karatula na nakasabit sa harapan ng paaralang kinalakhan ko.

Whew, lalim nun ah!

Heyniweys…

Naalala ko lang kase kanina habang kausap ko yung kaibigan ko. Pinaalala nya kase sakin na fiesta ngayon sa Cardona at Araw ni Kiko naman nung 4th. At chong, hindi ko nakakalimutan yun dahil sa loob ng labing dalawang taon na nag aral ako sa Sf eh parte na ng sistema ko ang field demo, paggawa ng props, banderitas, pag nuod ng konsierto at serenata, pag takas papuntang perya para mag color game at sumakay sa oktupus, umuwing basa galing sa pagoda, mag istrol, mag shopping sa sidera, makipag-swap ng handa at himagas, at siempre you know the drill… Fiesta yun eh! Di na mawawala yun! Haha


At siempre eto na naman ako. Oo eto na naman ako. Nag iisip. Na-iinggit. Naghahangad pero walang magawa. Naalala ko lang ang mga taong naging parte na ng halos kalahati o higit pa ng buhay ko ngayon. Mga taong naging malaking bahagi ng kung sino man ako ngayon. Nakakabilib lang isiping magkakaibigan pa rin tayong lahat! Pero, mas nakakabilib lang isipin na kung anu man ang napagdaanan natin dati, sa huli tayo-tayo paren ang magkakasama [oo kahit nasa malayo ako]! Biruin mo date pinag aawayan lang natin yung mga simpleng laruan hanggang sa naging away sa relasyon, bisyo, at kung anu anu pa… Masarap lang isipin na lahat yun naayus na ngayon. At dahil doon, lalong tumaas ang paghanga at respeto ko sa inyo!


Kung may isang bagay na natutunan ako, yun ay ang kahalagahan ng pagpapatawad. Hindi madali. Pero natutunan ko na habang lumalagi sa puso at isip ng isang tao ang galit at poot hindi ka magiging masaya. At napatunayan ko yon. Kaya nakakatuwa lang isipin na unti-unti ay nagiging maayus na ang lahat. Siguro nga tama ang sinasabi nilang “hindi na tayo bumabata eh”. Pero, wala naman sa edad yun di ba – nasa tamang oras at panahon at kahandaan. Masaya na ako ngayon. At alam ko na malaking bagay doon na nakapagpatawad ako at nakahingi ng patawad… lalo na sa mga kaibigan ko na hindi ko man lang nagawang magpaalam nung umalis ako at mga kaibigan na sumama ang loob sa ginawa ko....


Labo ko ba? Kanina fiesta pinagsasabe ko dito tas napunta sa pagpapatawad. Anyare? Hehe Wala naman... sobrang naalala ko lang yung mga barkada ko sa simula’t sapul – mga kababata kumbaga. Mga nakasabay ko na lumaki at mas lumalaki pa. Hehe Sarap lang ipagmalaki kung san ako nagmula! At tulad ng lagi kong sinasabe sa kanila, iba parin sila – na kahit sino pang nilalang sa mundo ang makilala ko, hinding hindi ko sila maipagpapalit. Walang katulad. Dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi ako si 2ts na humaharap at patuloy pang haharap sa ibang tao at sa iyo! Kung sino man ako ngayon, yun ay dahil nakilala ko ang pinakamabubuting tao, at Kayo yun!



Salamat sa paaralang kinalakhan namin.

At oo naalala ko at patuloy kong aalalahanin, Hindi mo lang kame minahal, tinuruan mo kameng

Magmahal at para sakin yun ang mahalaga!


La la la love! [:

2 comments:

yeye said...

ehem. =) proud to be kapuso, haha

2ts said...

yeye i miss u soo....

gaad. lez go home :(