Hindi ko pa nasubukan ang mag-skate. At sa totoo lang frustration ko yun pero hanggang sa paglalaro ko na lang yata ng Ps at panonood sa extreme sports channel magagawa yun. Bilib ako sa matatapang na nilalang na nakakapag-skate. Lalo kapag babae. Sobrang tapang lang di ba chong!
Naaliw ako pag nanood ng mga taong nagse-skate.
Natutuwa kasi ako kapag nakikita ko yung skater na nakasakay sa skateboard [malamang di ba haha] ibig kong sabihin yung tamang nakasakay lang siya dun...umiikot yung apat na gulong tas kinokontrol niya lang yung takbo, preno pag kailangan, babagalan at bibilisan. Nakakabilib kapag gumagawa sila ng tricks kase minsan parang buwis buhay na di ba pero sige paren.
Nakakatuwa panoorin kapag nasa loob sila ng pipe parang di sila nahihilo. At nakakatuwa kapag nakatapos sila ng isang perpektong ride sabay taas ng dalawang kamay hawak ang skateboard kasabay ng palakpakan ng maraming taong nanonood, tulad ko.
Pero naisip ko rin kanina habang
ginagawa ang mga taong stick na yan... na sa bawat takbo ng skateboard sa ramp, sa bawat grind nito sa rails, at sa bawat ikot nila sa pipe eh
malamang na makailang beses na rin sila nadapa, nasubsob sa aspalto, nabalian ng buto, at natakot na muling sumakay sa skateboard.
Sakit yun no. Pero akalain mong marami pa rin silang patuloy na sumasakay sa kapirasong kahoy na yan na may apat na gulong.
Masaya na kong makanood ng mga taong nakasakay sa skateboard.
Nararamdaman ko kasi ang buhay sa kanila.
Nadadapa pero tumatayo.
Natatakot pero sumusubok muli.
Gawin ang mga bagay na nakapagpapasaya sakin.
At maging malaya... [:
5 comments:
akala ko nung una figure/ice skating ang gusto mo..wahahahaha!
at naikonek mo ung skateboard sa buhay ah! (thinking)
at ang galing nung mga ginawa mong taong stick.. asteeeeeg! :)
bwahaha anu magaling dun? pang grade wan nga eh! hahaha
idrawing din kita.. pero taong stick ren ah!
imaginin mo na! hahaha :)
...at ngaun ko lang narealize yun ah! onga anu ba dapat nag-skateboard? hehe ganyan ba?? palitan ko pa!?
wak na uy! hahaha ayus lang yan tao lang di ba chaweh? :P
i know the feeling i only got so far as riding the skateboard, but i was too chicken to actually try some tricks....
saka napapagalitan ako ni kuya renan pg hinihiram ko ng patago yung skateboard nya! wahahah
Ako nga nanood / nilalaro pa lang eh thrilled na! Lalo siguro pag sumakay ako! haha Si renan kase di ako nituruan eh! :)
Post a Comment