Sampung taon na pala nakalipas simula ng marelease ang first album na'to. Sampung taon na nakalipas nung una ko marinig ang bandang Imago. Edi bale hayskul pa pala ako nun. Tagal na parang antanda ko na! haha Naalala ko pa nung una ko sila marinig, sobrang nag iba ang pananaw ko sa musika lalo na sa OPM. Yung tipong "eto kame, tanggapin niyo man o hindi patuloy lang kame gagawa ng musikang pinaniniwalaan namin". Yan ang tumatak sa isip ko nuon. Nuong mga panahong antaba pa ni Aia, blondie pa at kulut-kulutan ang super haba niyang buhok [aegis pa! haha]. Naka-dreads pa si Zach. Long hair din ata ang halimaw na bassist na si Arvin. At of course glutha-white pa rin si Tim! hehe Saka andun pa si Michelle sa violin. Bumili talaga ako ng cassette tape neto. Pauli-ulit kong pinapakinggan at kahit pilitin ko man ang hamak kong kakayahan na siprahin yung mga kanta grabe ang hirap lang! Nakakaaliw pa lalo yung mga fillers ng album na to! Naalala ko, naisip ko dati na nababaliw na siguro tong si Aia kase yung mga fillers kinakausap nya yung sarili nya! hahaWalang itulak kabigin. Lyrics wise. Melody. Panalo! World music at its finest! Mabuhay ang musikang independent! Mabuhay ang OPM!
Makalipas ang apat na taon, nagkaroon ng Take 2 kung saan naging kapansin-pansin ang pagbabago ng atake ng lahat ng kanta. Nawala na rin nuon sa line up si Michelle. Kaya wala ng violin. Inisip ko nuon na dahil dun kaya parang nawala na yung pagka-world di gaya nung unang album. Ayus naman, bukod sa pumayat na si Aia nung mga panahong 'to. Andame na rin nilang raket at nabigyan na rin ng awards. After rin ata nito, umalis na si Arvin sa baho. At pumasok na sa eksena si Myrene.
Tapos taong 2006 parang nagunaw ang mundo ko nung narinig ko sa radyo ang pag Taralets nila!!!! Seryoso naalala ko pang naiiyak na ako nung sinabi ko kay Dha at Kitt na pakinggan nila kase mukang tanga!!! Waaa SELL OUT BIG TIME!! Kahit ayaw kong tanggapin nuon na sell out na sila iniisip ko na lang na evolution of artistry lang ang nangyare! Pero hindeeeee!!!! SELL OUT talaga eh. Blush ba naman eh! T_T
Anong nangyare sa musikang pinaniniwalaan ko? Anong nangyare sa paninindigan? Anong nangyare sa orihinalidad? Anong nangyare sa lumang Imago????
Eto ang nangyare: Nakilala. Tinangkilik. Mashadong tinangkilik at dahil hindi naman bawal sumabay sila sa agos. Hinawakan ng major labels kaya ayun sunod na sa uso. Sunod sa kung anong mas kakagatin ng mga taga-pakinig.
____________________________________________________________________
Hindi ko alam kung tama ba ako o mali. Pero dahil nabubuhay tayo sa mundong malaya iniisip kong tama ako dahil yan ang tunay na napakinggan at naobserbahan at naramdaman ko. Gaya ng Imago, malaya nilang binago ang musika nila ayun sa nais nila. Kaya patuloy ko na lang irerespeto ang mga bagay na yun. Pag respeto na ang mga bagay ay hindi permanente. Lahat tayo nagbabago. Kailangan lang ng pagtanggap at pangunawa at pagmamahal.
Kudos sa bagong Imago! Hanep sikat na sikat na kayO! :P


0 comments:
Post a Comment