Sunday, August 30, 2009

Waking up on the wrong side of the bed.

This morning was one of the weirdest morning i had so far. Earlier while i was still abed, I felt like i was half awake, half asleep, and i'm not even sure if i was dreaming because apparently if i was dreaming i was hearing the same song currently playing on my playlist. It was weird because it felt good coming to the office. It was weird because i'm wearing my slip ons instead of my flip flops. I can still remember telling Nic that she should be happy today so that we can get this day over with and she can play basketball later after work, i can visit the park and run, and hopefully smoke afterwards! haha! *fingerscrossed*

Maybe it felt weird because i was genuinely happy today! Yes i am. I was happy to see and hear stories that happened last night with the rest of TS in Pansol. I was happy to see their under water photo opts . I was happy to hear they wanted to eat jollibee hotdog instead of jollyhotdog! haha I was happy knowing they weren't sober anymore! haha Unlike mee! But hey twas fine. I am happy today that i know TS is still there. And TS will remain always and forever.

Oh yes i'm in love with my friends! haha We had this thingy going on for the past five years or so already.. Ayoko ikompara sa pamilya ang TS. Bagkus, mas maganda ikompara sa mag jowa - Bf-Gf/Bf-Bf/Gf-Gf! haha Gaya ng lagi namin sinasabi ni Maze sa isa't isa, eto na naman tong magjojowang ayaw maghiwa-hiwalay! So true! Hindi ba, mga mahal ko!? Panalo! haha Naalala ko nung unang araw na ginamit natin ang tawagan na yan.. Lahat ng kaklase naten sa klasrum sa CS pinagtitinginan tayo. Naalala ko pang tinanong ako ng seat mate ko nuon na, Ikaw ba tinatawag niya? haha Ayaw maniwala ng hitad! Edi wag! Anong magagawa niyo e mahal namin ang isa't isa!

Pero tao lang naman tayo, ay mali! Magjojowa lang naman tayo e kaya minsan kelangan naten ng space. Space to grow apart. Space so that we can meet other people. Space so we can fulfill our dreams. Space so we can move forward. Space so we can realize things. Pero..

Anjan man si space, babalik at babalik pa rin tayo sa mga taong mahal naten. Mga taong kasama naten nangarap. Mga taong nagbigay kahulugan sa kung sino ako at kung sino ka. Sa tayO! Hindi ko nga maisip kung anong pinakain niyo saken eh. Ginayuma niyo ba ako? Andame na naten pinagdaanan nung kolehiyo pa lang. May umalis, may dumating na bago. Nagkabitchesahan man tayo, sampalan, sapakan at nagkamurahan man sa huli mahal pa rin naten ang isa't isa! At never kong ni-give up ang thought na mauulit lahat ng mga bagay na gusto nating ulit ulitin! Kitams nangyare yun kahapon! At sana kasama na kame, soon!

At para sa mga napipintong bagong "sulot". May napi-feel ako! Tuloy niyo lang, malay niyo biglang may umi-spark! :P Saka masaya yan, para sa susunod na pag gawa naten ng Family tree house - mas marami pang magsanga-sanga! Mas bongga! Ha! Ha!


Thank you for making me ecstatic today! I almost forgot how it feels to be!

One love! Hands Down! [:

Wednesday, August 26, 2009

REALITY CHECK. REALITY BITES.

Saturday, August 22, 2009

The way we were.

Sampung taon na pala nakalipas simula ng marelease ang first album na'to. Sampung taon na nakalipas nung una ko marinig ang bandang Imago. Edi bale hayskul pa pala ako nun. Tagal na parang antanda ko na! haha Naalala ko pa nung una ko sila marinig, sobrang nag iba ang pananaw ko sa musika lalo na sa OPM. Yung tipong "eto kame, tanggapin niyo man o hindi patuloy lang kame gagawa ng musikang pinaniniwalaan namin". Yan ang tumatak sa isip ko nuon. Nuong mga panahong antaba pa ni Aia, blondie pa at kulut-kulutan ang super haba niyang buhok [aegis pa! haha]. Naka-dreads pa si Zach. Long hair din ata ang halimaw na bassist na si Arvin. At of course glutha-white pa rin si Tim! hehe Saka andun pa si Michelle sa violin. Bumili talaga ako ng cassette tape neto. Pauli-ulit kong pinapakinggan at kahit pilitin ko man ang hamak kong kakayahan na siprahin yung mga kanta grabe ang hirap lang! Nakakaaliw pa lalo yung mga fillers ng album na to! Naalala ko, naisip ko dati na nababaliw na siguro tong si Aia kase yung mga fillers kinakausap nya yung sarili nya! haha

Walang itulak kabigin. Lyrics wise. Melody. Panalo! World music at its finest! Mabuhay ang musikang independent! Mabuhay ang OPM!

Makalipas ang apat na taon, nagkaroon ng Take 2 kung saan naging kapansin-pansin ang pagbabago ng atake ng lahat ng kanta. Nawala na rin nuon sa line up si Michelle. Kaya wala ng violin. Inisip ko nuon na dahil dun kaya parang nawala na yung pagka-world di gaya nung unang album. Ayus naman, bukod sa pumayat na si Aia nung mga panahong 'to. Andame na rin nilang raket at nabigyan na rin ng awards. After rin ata nito, umalis na si Arvin sa baho. At pumasok na sa eksena si Myrene.

Tapos taong 2006 parang nagunaw ang mundo ko nung narinig ko sa radyo ang pag Taralets nila!!!! Seryoso naalala ko pang naiiyak na ako nung sinabi ko kay Dha at Kitt na pakinggan nila kase mukang tanga!!! Waaa SELL OUT BIG TIME!! Kahit ayaw kong tanggapin nuon na sell out na sila iniisip ko na lang na evolution of artistry lang ang nangyare! Pero hindeeeee!!!! SELL OUT talaga eh. Blush ba naman eh! T_T

Anong nangyare sa musikang pinaniniwalaan ko? Anong nangyare sa paninindigan? Anong nangyare sa orihinalidad? Anong nangyare sa lumang Imago????

Eto ang nangyare: Nakilala. Tinangkilik. Mashadong tinangkilik at dahil hindi naman bawal sumabay sila sa agos. Hinawakan ng major labels kaya ayun sunod na sa uso. Sunod sa kung anong mas kakagatin ng mga taga-pakinig.

____________________________________________________________________

Hindi ko alam kung tama ba ako o mali. Pero dahil nabubuhay tayo sa mundong malaya iniisip kong tama ako dahil yan ang tunay na napakinggan at naobserbahan at naramdaman ko. Gaya ng Imago, malaya nilang binago ang musika nila ayun sa nais nila. Kaya patuloy ko na lang irerespeto ang mga bagay na yun. Pag respeto na ang mga bagay ay hindi permanente. Lahat tayo nagbabago. Kailangan lang ng pagtanggap at pangunawa at pagmamahal.


Kudos sa bagong Imago! Hanep sikat na sikat na kayO! :P



Wednesday, August 19, 2009

081409

Hindi puedeng hindi ko i-blog ang nangyare nung birthday mo! OO ikaw yun Yeye! Ayus yun para kada basa ko dito e hindi ko malilimutan kung anong kadramahan mo nung araw na yun! So pano, pasensya na pero... wasaaak!! [: Ayus lang yan, isipin mong parang ganti ko na lang to sa mga pangiinggit mo saken habang nagpapakawalwal kayo jan saten!

Iyakan portion 101

E bat umiiyak nung tumawag ako ate?? bwahahahaha anyare?! Ako pa sinisi mo! Ako na nga lang tong bumabati sayo! haha Natawa lang ako kase perstaym na binati kita at naiyak ka.. Siguro mga 20 years na kita binabati ng Happy birthday pero ngayon lang nanyare na kuma-cryola ang lola ko! haha Winner! Sayang sana nakita ko ren kung pano ka umiyak no?! Panalo siguro! :P

Heyniwey, wak na ng lungkut lungkutan ateh! Sa hinaba-haba ng selebrasyon ng birthday mo isipin mo na lang kung gaano ko kagustong makashot man lang ulit kasama niyo.. Marinig yung biruan na parang wala ng bukas at tila ba hindi ka na makakabagon pang muli sa panlalaglag.. Makakain ng inihaw na bangus at bopis.. Makapang agaw trip.. Makakanta sa bidyoke ng putuhan.. Magwokaton pauwi at maghatid ng lasing.. Magkape kinabukasan at magpalipas ng hangober habang nakahiga sa palapag.

Di ba lagi ko nga sinasabi sayo tuwing malulungkot ka, isipin mo na lang yung pinagdadaanan ko kapag nalulungkot ako.. Kumpuede lang lumipad nagawa ko na makasama lang kayo kahit sandali lang.. Pero wala na tayo magagawa sabi mo nga alaala na lang ang puede nating panghawakan at hindi naman puedeng ibalik at mastak na lang tayo sa nakaraan. Nawala man ako sa daang tinatahak mo, alam mo namang nasa likod mo lang ako para sumalo sa mga kagagahan mo! Kahit na minsan eh gusto na kitang itulak sa bangin para matauhan ka hindi ko ginawa dahil labs kita! [:

Kaya chong, tuloy lang tayo sa tinatahak naten. Pagbibigyan din tayo na magawa muli ang mga bagay na gusto nating gawin! Malay mo bukas, o kaya sa makalawa.. Malay mo di ba?

Kaya ikaw, gawin mo lang yung mga bagay na gusto mong gawin. Yung mga opportunidad na dumadating sayo wag mong palagpasin. At yung mga bagay na nakakasakit sayo bitawan mo na... SANA! hehe

I love u chong i miss u tons! I miss US bigtime!

Monday, August 17, 2009

Overdues

Three hundred ninety seven days and counting! Oye bebe! Apir mo! Hehe Overdue na talaga to boy! Sorry naman pero batet ba, kailangan ba pag nagwa-one year eh may entry?! Ibahin mo ko chong, mas gusto ko pag late! [: Hemmingway, like we always say tagal na naten naglolokohan ah! Impernez with you mas patient ka saken at mas malakas ang luob mo! Ikaw ang nagpapaalala saken na kayanin ko para kayanin mo! Galeeeng! Gumaganun ka pa! *todoinks* Bola ka ren weno! Naniwala naman ako! :P So pano ko ba sisimulan ang kabaduyan kong ito? Teka, nag try akong magpaka poet pero waley basura! Nag-haiku na rin ako kanina eh, ang kesow! Bwahahaha Asa ka namang gawan pa kita ng kanta, abuso naman yun! [: Kaya wak kang ganyan yang ngiti mo abot gang tenga at nagbe-beyolet ka na sa sobrang blush! Nyahaha Loser! Kaya ganito na lang…

Thank you sa paghahanap mo ulit saken na di ko naman inasahan na hahanapin mo parin ako dahil hindi nga ako nagpaalam sayo. At alam mo naman na sinadya ko yun! Pampam lang! hehe
Thank you keeping up with my rants lalo nung umpisa! Pero doncha worry, gone are the days that I sob myself to sleep but still bear with my praning mements as always! The hell with your so-called groupies!! :P
Thank you for the comfort that you give me everytime I miss home.
And for the push when all I wanted was to pull.

O luha mo nangingilid na! Bwahaha Pare di pa tayo tapos kala mu jan! [:

I like your kabululan
I like your kawirduhan
I like your telenobela quotes kahit alam mong di eepek saken yan!
I like your kababawan
I like it when you cook.. Mmm mee like chefs! ;P

I miss your mohawk but I hate your goatee.
I miss that dimple on your right cheek
And those cute puppy eyes [howkey ang musheeey!]
I miss the way you hit the snare but not on the toms!
And you could hate me forever, but please don’t you ever sing again!! Nyahaha
I know you miss me, but you know I miss you more!

Nyakanang hydrocephalus ka na chong!

I am proud of you for taking good care of your Pop
And for blatantly admitting that you are a Mom’s boy
I am proud of you for giving school another try!
And most of all, for not taking that opportunity overseas just yet…

Serious na koya???

I love you for trusting me
Kahit na alam mo na yun ang pinaka huling
bagay na kaya kong ibigay sa relasyon na ‘to..
And now, you’ve earned it!
I love you for keeping the faith
The faith that binds us all this time..
The faith that only the two of us understands..
And the faith in Him that will never perish!

I heart yo! I miss you Moe, everyday!

Sunday, August 02, 2009

20 000 seconds

Dear Mom,

Hey! What’s up? I should have been planning a bank right now but I can’t. Ewan ko ma maybe because I just miss u terribly today. Maybe because it’s a Sunday. And I miss our Sundays at home. Church, lunch, bonding, tivo, sleeping. Watch ASAP at laitin mga artista or watch MYX and explain dad how the generations of today are. I miss dad and the way I ask him to teach me how to play Beatles songs and when all he can do is smile when we tell him that he is too old! I miss my couch because apparently that’s my bed. The paint of the walls and the graffiti on the bedroom. That gigantic dining table. The leaks on the ceiling. The porch. And the nosey neighbors haha! Hmm what else? I miss it when I comb your hair while we’re lying on bed. And when you tap my lap so I can sleep. And when you always say we all look like dad. I miss it when you call me Baby though I hate it. I hate it when you sing and now I miss it. I miss the smell of my clothes, my sheets, and my towel. As well as the smell of your coffee every morning while reading the broadsheet. Ah! I miss it when you look for jobs in the classified ads section as if you were unemployed! Haha And you look jobs for us too. Masasabi ko na lang, ok ka lang ma may trabaho ako! Haha But you always tell us that opportunities come our way so we better grab it. And you tell me, anak di pa trabaho yan magiinterview ka pa, baket sigurado ka na bang matatanggap?! [Onga naman haha] Miss ko na mga hirit mo ha infairness!

I wish LA is just a bus ride! Kahit ilang bus pa yan basta bus lang so I can see you often. I want to hug you. I want to call you now but I know it will just make you sad so I opt not to. Not even sending this to you either! Google it! haha

I love you mom and you know that! I hate it that I miss you this much and I’m crying.

2ts.

So where were we again? What plan? Robbing a bank!?! God spare me wisdom and patience! Time to kill this sickos!

[: