Saturday, February 14, 2009

tee gang

I know I haven’t written anything other than rants for the past months and forgive me for that.. it’s just I really, really need an outlet for all these crappy things happening lately.. Anyways, I’m not gonna post another rant this time and I promise to lessen that [thank you!].

So just now I remember 21 days to go before the second part of the Heads reunion concert baby! En wat em ay stil duwing hir!!! Waa. Yes I know, I’m gonna miss this one again [bigtime]. Pero keri lang naman. Kita ko tix price – abay wagi! Napakamahal. I mean kung dito sa Dubai gaganapin un e mas keri lang yung 150 dirhams na mailabas mo sa bulsa mo di ba. Pero para gumastos ka ng ganun kalaki para sa isang konsert [oo alam ko hindi sila basta-basta] um, magdadalawang isip ka talaga.

Buti na lang last December eh nakapanuod ulit ako ng gig. Tagal ko din natigang sa gig kaya nung narinig namin na pupunta dito ang The Dawn, Pupil, Kami, at Bamboo e super bili agad kame ng tix. Biruin mo 65 dirhams lang yun ha may service shuttle pa papunta sa venue! Hehe oo alam ko malaki yun kung i-coconvert ko pero mura na yun para sa presyong Dubai! Tutal hindi naman talaga kailangang magconvert e ang mahalaga sulit na sulit ang gig! Kaya salamat sa tfc.. kahit naka-orbit kame! Haha

Unang nagperform ang Pupil. Siempre andun ang mahal na mahal ko na si Dok! Hehe at mukang ayus na rin si Ely nun mula nung inatake cia sa puso sa kasagsagan ng reunion concert ng heads sa pinas. Buti nga at naging ok na cia, ayus sumasayaw pa habang nagpeperform! Akala ko dati e isang kanta lang nila ang alam ko at yun ay ang peyborit kong Dulo ng dila, pero sa bawat pyesang tugtugin nila e napapasabay ako! Salamat sa mg panahong nakakapakinig pa ko ng NU sa pinas habang nagtatrabaho! Ayun halos makabisado ko rin pala ang mga kantang Monobloc, Disconnection notice, at Sala. Sarap ng set nila lasang baskin robbins! Haha ganun kasarap! Tumugtog pa sila ng mga lumang pyesa – mga kanta ng Heads, Teeth, at Barbie’s Cradle kung saan sila unang nagsimula bago mabuo ang bandang Pupil.

Sumunod na tumugtog ang Kamikazee. And knowing Kami, haler ang baklang si Jay! Alam ko na magiging magulo ang set nila yung tipong pang comedy bar! Haha Sobrang namiss ko ang bandang to! Kaya habang tumutugtog sila e di ko maawat ang utak ko na mag flashback sa mga panahong nanunuod kame sa Mayric’s o kaya ng UP fair tuwing Pebrerow. Aw. Ganun pa rin sila mag perform – makulit, magulo, at ubod ng saya na may hingal factor sa dulo! Kaso kulang sila non, hindi na nakatugtog si Led dahil nahuli “daw” sa airport na may “kargada”. Pero kahit kulang sila ng isang gitarista e ayus pa rin naman ang tunog nila! Buti nga nasakyan ng mga nanunood yung mga kababuyan ni Jay! Hehe Di naman kasi lahat eh kilala ang Kami lalo na dito sa Dubai. Mas marame kasi ang nagaabang kay Bamboo! Haha. Galeng. Sana maka score din ako ng bagong album pag uwi ko! [:

The Dawn naman ang sumunod pagkatapos ng napakakulit na set ng Kami. Pahinga kumbaga! Pero tila ba mas maraming nakasabay sa The Dawn – siguro kasi marame na rin yung may edad sa crowd! Hehe Pero wala naman sa edad yun di ba. Dahil kahit ako masasabi ko na malupit pa rin sila! Kahit yung mga bago nilang kanta o kahit pa mga remakes nila! Panalo. Kaya lalong tuloy-tuloy na flash back ito! Siempre para sakin Enveloped ideas parin ang peyborit ko. At sa mga remakes nila e yung Message in a bottle. Nakakatuwa nga yung mga kabayan na nanuod non, kasi hindi sila mga bastos di gaya saten. Naikompara ko talaga yun. Kahit kasi alam ko na gigil na gigil na yung crowd na makita ang Bamboo e pinakinggan parin nila yung ibang banda gaya ng The Dawn. At wala akong narinig na may nagsabing – “bumaba ka na jan Sweet!!” [peace tayo ser!] Yan naman e naririnig ko lang date kapag nanunood ako ng mga malalaking gig sa Pinas. Bow parin ako senyo mga Ser! [:

At siempre huling nagperform ang Bamboo. Ang bandang pinakahihintay ng halos lahat ng nanuod sa DFC open grounds! Ganun pa rin naman sila - Mahal ko pa rin si Nathan, Malupit pa rin mag rolling si Vic, Suplado pa rin si Bamboo, at Gwapo pa rin si Ira [nga lang pilay cia nun!] Haha Peyborit ko yung Kailan na latest released single nila nung time na yun. Pero iba ang feeling nung kinanta nila yung Noypi. Siguro kasi feel na feel din namin dahil ofw kame ngaun! Haha Iba. Kinilabutan ako. Iba talaga kapag malayo ka sa lugar kung saan ka nagmula – kaya lahat ng mga simpleng bagay madali mong ma-appreciate…

Sana sa susunod indie bands naman [:

A S A ka tuts!

Onga pala maligayang araw ng jerjeran! Hehe Be safe guys! Spread the love [:

2 comments:

ieatlitter said...

buti ka pa nakapnuod ng gig.

haysh, sayang ang e-heads reunion part 2. di ako ma mi miss na naman naten.

2ts said...

abangan na lang naten sa dvd chala!