Tuesday, February 03, 2009

O edi eto na nga ang chika!

Abay walang habas na pagkakaltas na naman ang ginagawa ng mga hinayufek na taong to! Sobrang asar at galit pati poot isama mo na! Lintek! Ang laking pera na nun kapag ipinadala sa pinas! Shet na malagket. Kaya kahit wala ako/kame sa sariling bansa – super welga ang mga lola mo!! Siempre wala nga lang halong plakards! Haha. Pero ikot pwet nila amo kaninang umaga! Abay ni isang designer wala silang inabutan sa opisina. Oo alam ko mali iyon. Mali na hindi kame nagpaalam or kahit paepek man lang na may sakit kame. Ayaw na naming magpaliguy-ligoy pa! Diretso. Matapang. Sugod. Startalk. [:

At least neng naramdaman nilang mawalan ng designer di ba? Sobra kasi ang tiwala nila sa sarili nila. E hindi naman nila kaya ang mga ginagawa namin. Bakit kasi kelangan ma-ere sila? Bakit hindi nila matanggap na kailangan nila kame? Edi kanina lumabas ang katotohanan! Belaat!

[ tawang kontrabida ]

Kung wala na kayong pondo para sa kompanya nyo, e bakit hindi nyo na lang kaya isara itong shemai na kompanyang to?? Hmpfpf.

Pabor pa nga yun eh libreng pamasahe pauwi may kasama pang isang buwan na sweldo.. Puede na noh?

Kaso eto ang senaryo.. Siempre ang mga matatalino kong amo e hindi naman papayag ng ganun. Di nila kakayanin ang gastos na ikansela kame kasama pati pamasahe. Haha di pa nga sila nababaliw noh akalain mo?! Kaya eto balik trabaho kame bukas at napagusapan na lang namin na tanggalin na lang ang “pangmalawakan” na yan upang hindi na kame mailagay sa sitwasyon – lagi na lang kasi kame. Kame. Kame na walang malay. Aruy!

Kaya sa mga umaasa na uuwi na ko sa nalalapit na panahon, pasensya na mga fans. Nadelay ang flight ng lola niyo! Pero wag kayong mag alala, mabilis lang ang oras, ang gabi, at ang araw dito sa Gitnang Silangan. Papasaan ba at magkikita-kita rin tayo. Basta ba hihintayin niyo ako mga fans! Miss ko na kayo sobra. Pa-kiss nga! Mwa.

Ayus?

Pahabol : Sa huli kame rin ang nagwagi! Yea! Kaso malimit na’to dahil bawal na ang “pangmalawakan”!

H a a y .

1 comments:

jemm_mica_ann said...

itayo ang bandera ng mga dakilang "pasaway"

hahaha :p