Sunday, April 19, 2009

Natatandaan mo pa ba yung:

Mga litrato naten na nakapanty lang tayo sabay pose ng pang little miss pilipins?
Mga terno nating damit na kala mo eh kambal tau kahit na malnourish ka nun kumpara sa malusog kong pangangatawan?
Mga pigsa naten na sabay naten pinapuputok ke nanay o kaya naman e parehong lokasyon ng sugat naten na may bandaid?
Mga laruan naten na luto-lutuan, laba-labahan, at paper dolls?
Mga gupit ng buhok naten na pilit ko pinapagaya sa iyo yung saken kaso hindi nga babagay saken dahil unat ka at kulot ako?
O kaya naman eh, yung mga panahong lagi ako talo sa jackstone dahil di ako marunong mag around da world?
At lagi ko kayo tinatalo sa sipa bola?
E yung lagi kitang nauunahan sumigaw ng “seyb” sa tagu-taguan kasi nga lalampa-lampa ka?
Saka yung mga dance steps naten sa kantang The Bomb? [haha]

Kapag sinusumbong kitang inaaway mo ako eh napapalo ka?
At akala mo nuon e ampon ka lang dahil [sabi mo] lagi ka na lang kawawa?
O dahil magaling ka lang talagang umarte nuon, di kaya?
Ikaw yung nag bida-bidahan sa play natin nung elementary samantalang ako ay isa lamang sa mga “latak ng lipunan”?
Kapag pinagmamalaki mo sa buong angkan naten na ang kamuka mo ay si Tita Edith na as if eh nanay mo?
Oooops, malilimutan ko ba naman na sumulat ka nuon ke Jolina Magdangal para sa Payong Kaibigan.. Um ano kaya naman ang inihingi mo ng payo?
At sobrang paborito mo si Emma ng Spice girls at Aj ng Backstreet boys?
After non trip na trip mo naman si Dolores O’ Riordan kaya gusto mo matuto mag gitara..
At ang una mong natutunan tugtugin ay Harana dahil sobrang paborito mo nuon ang PnE?
Kaya lagi kayo tumatambay sa kung saan man ang gig ng PnE na tila ba ikaw ay isang “groupie”?
Pero di naman di ba, tamang tambay lang sa gig...gang sa magkaroon ka ng banda na may tatlong miyembro. Ayus. Naalala mo pa c manong sa studio?
Pero di naman kayo naka score ng gig non noh, tamang jam lang saka napakatagaaaal na telebabad. As in, tele-babaaaaaaad?
Tapos nalaman ko na lang na kayo na ng ultimate crush ko?? Demet naging Kuya ko tuloi!

Nakailang ulit ka nga ba ng Stat nung kolehiyo? Pati ba naman Rizal??? [haha]

E yung gig naten sa Katips!! Hanep Songer [: Kaso nalilimutan tapakan ang gadget?
Don’t you belong to the stars?? Mas gusto ko talaga ang Nissen’s Ramin. Ikaw?
Saka da best mga tambay naten sa Mayrics. Feeling close saten ang Tsikoskee noh? Lalo ke Gnet!
Malilimutan ko ba naman dito isama ang movie date naten sa SM Manila, Wednesdays? Sabay next sem Thursdays naman!
Alam mo bang takot na takot ako nung naholdap tayo sa jeep bandang Espanya? Tinutukan ka ba naman nung gagong yun ng icepick!!
At kapag puyat ka eh daig mo pa ang tatay na humilik?
Ayus ka sana kasama mag ukay dahil maganda taste mo eh, kaso kuripot ka!
Pinagkaingat-ingatan ko yung selepono na regalo mo, kaso asan na nga ba ngayon?

Kapag broken hearted ka mas masarap makinig ng Punk? Saka mag beach?!

Mga katamaran sa katawan mo, sabagay Prinsesa ka nga pala no?!
Bente sais ka na nung nakapunta ng EK?
Isang taon eh binilhan kita ng Fried chicken para sa bday mo?
At ikaw ang nagpaiyak saken nung paalis na ako, at sabe mo Mag ingat ka chong!


Para sa utol kong kuripot pero maalalahanin, tamad pero tamad [haha wala talagang paglagyan], malihim na pacute, Punk sissy, Ate Bum: Maligayang Kaarawan!
Chong mahal na mahal kita [:




0 comments: