Thursday, March 26, 2009

Pumapatak na naman ang ulan . . .

photo credits to Gulf news.com
Hailstones keep fallin' on my head
And just like the guy whose feet are too big for his bed
Nothin' seems to fit


So I just did me some talkin' to the sun
And I said I didn't like the way he got things done
Sleepin' on the job
Those hailstones are fallin' on my head, they keep fallin'


But that doesn't mean my eyes will soon be turnin' red
Cryin's not for me'
Cause I'm never gonna stop the rain by complainin'
Because I'm free
Nothin's worryin' me. . .
---------------------------------------------------
Say good bye to the warmers and the jackets coz
Summer is just around the corner! [:

Wednesday, March 25, 2009

olats.

As in olats paren orayt! two days in a row.. so just sit back and relax. watchamuvi!! [: wala e another project has been cancelled! thank goddess! [:
Pero kanina pa ko napaparaning. Nalipasan ata ako ng gutom hindi kasi ako nag agahan..
Ewan ko ba dito sa blogger, hindi ako makapag comment pero sa wordpress ayus naman [help!!]. At nahahasel na rin akong gawin english ang text dito sa tuwing magsa-sign in ako. nahilo ako ampota puro arabic nakita ko kanina. demet.
Ayan kakadating lang ni baklang Dennis.. Galing siya sa Ras al khaima - nicheck nya yung paglilibingan sa amo namen dun! [biro lamang] [:
May bagong pangalan na rin pala ang kambal ko - "betlogg". haha Nabansagan ni Jane na hindi namin alam kung pinaglilihian ba nya c Nic! hehe bebeger [:
Tatlong oras pa mula ngayon eh uuwi na ulit ako. Kakain ng hapunan. Manunood ng teleserye. Maliligo. Mahihiga. Manunood ng pelicola. Puedeng makatulugan ko na ang palabas o kung matapos ko man saksak ulit ng earphones para sa bedtime playlists...
Ang simple noh. Di ko inakalang ganito kadali ang trabaho dito sa Dubai - well para siguro saken hindi ko naman sinasabi na ganuon din yung ibang expats. Sa sampung buwan na pamamalagi ko sa gitnang silangan ganito na ang naging pang araw-araw ko. Sabi ko nga, nagbago na ang buhay ko... haha Kumbaga sa dating adik eh na-rehab ako! Pero siguro in a good way naman di ba.. Pero kasawa na ren. haay beeaaaccchh where art thou!? Ironic kc napakalapit ng beach sa bahay namin dito sa dubai. Pagtawid ng kalye ng Jumeirah tas lakad lang ng onte eh nasa open beach ka na. Kaso hinahanap-hanap ko yung beach ng Pinas. Waa i-wish ko na lang pag uwi ko e normal pa ko.. baka imbes na sa apartment sa boni ako makauwe eh maipasok ako sa mental. Wak naman ganun . . . Kalurkey [:
Mejo matagal din akong di dinalaw ng homesick ah. Kaya ayun dalawang magkasunod na araw akong napapraning. Pero improving na ko [: di na ko umiiyak.. Ewan napagod na siguro ang tear glands ko at hindi na makapag produce ng luha.
Heyniwey, may bago akong kinaka-hookan [hehe]. Puera lait ah maganda naman e kaya pagbigyan nyo na.. Saka guilty naman talaga ako na mahillig ako manuod ng mga teeny bopper flicks [haha]. Siguro alam mu na tinutukoy ko. hehe Mejo ripped off -- umm obviously e ripped off talaga pala. Oo na sige na pirata na. may magagawa ba kayo e Pinas yun? Talent yun boy! haha Go lipgloss!! batet wafu naman si Ejay Falcon ah. Wapakels [:
Sabi ko naman sayo eh, olats bigtime! haha Bagay na bagay talaga. As in -- Zero!
Pero ayus lang kahit madalas olats, masaya pa ren dapat! Dahil habang tumatagal eh lalo rin naman lumalapit ang araw na makakauwi na rin ako sa wakas. . .

Sunday, March 22, 2009

bangungot.

di ako mapakali
kahit na ako'y nakangiti at
nakikipagbiruan
di ko maiwasan na hindi isipin
at pilit na lang bumabalik sa utak
ko
na paano kung totoo
ang masamang panaginip na'to

meron ba talagang ibig sabihin
o meron bang ipinahihiwatig
ano nga ba ang dapat gawin?
o kaya'y ano ba ang tamang isipin?
nalilito kasi ako at nagaalala
na baka bukas makalawa'y
wala ka na.

Seryoso chong. natatakot ako. nagising ako sa isang bangungot kaninang madaling araw. namatay daw yung kaibigan ko. isang matalik na kaibigan na simula mga bata pa kame e nakilala ko na siya. hanggang sa lumaki na rin kame. nagbanda. nangarap. pero dumating ang isang araw na pinili niyang mapalayo sakin. samin. pero hinayaan ko lang siya. at sinabi ko sa sarili kong babalik din siya. di nagtagal nawala na ang galit at sakit na naramdaman. pero hindi na katulad ng dati. nagkaroon na siya ng sariling mundo. mundong pinili nya. mundong di na umiikot samin, ang mga kababata niya. dumaan ang mga araw at alam kong naaalala pa rin niya ako. nagparamdam siya sa fs at biniro niya ako. magandang pangitain.. buhay pa ang kaibigan ko! pero ang hindi ko maintindihan e bakit biglang mapapanaginipan ko siya sa ganuong kalagayan... malamig at wala nang buhay.
siyet. parang hindi ko kakayanin kung totoo man iyon. meron bang magandang loob na puede magsabi kung anu ang ibig sabihin ng panaginip ko?
kung meron man, maraming salamat po!
wirdo.

Saturday, March 21, 2009

Pahabol - - -

Nakalimutan ko silang ipakilala sa inyo..

Ayun o, tungkol sa nasaibaba..

From L-R :

1.] ang bago kong paboritong "sandals" dahil hindi raw ito "shoes" - di umano! at nabile ko lang yan ng bagsak presyo nung Dubai Shopping Festival (DSF) sa halagang AED25. Ayus no, bale kung iconvert naten sa Peso bale Php300 na lang yun! Sarap gamitin tutal lagi narin naman ako nasisita sa opisina - ginagawa ko daw kasi tambayan/bahay/resort dahil sa pagsusuot ng tsinelas [:

2.] blue skies at 6.03 dusk.

3.] Si Ate Del ang dakilang resepsiyonista/masahista/[funeral] parlorista/rentista/binibining seksi/tagaluto/tagalamon/tagasabi ng "hello al zahi good evening" - kahit umaga pa lang. Akala din niya na parehas lang ang ibig sabihin ng salitang "parasite" at "paranoid". Napakalawak ng english vocabulary neto. Promise!!! [: [: [:

4.] Namiss ko ang Swirly bitz ng Jolibee dahil dito. hihi

5.] Si Kuya Dennis bilang Diego.. Siempre si Jem bilang Dora. haha Pauso kasi si Jem na mag back pack pag pasok sa opisina. Siempre kulay pink [duh]. Walang pakelamanan!!!

6.] Traffic lights and lights. labo. yan ang intersection na lagi namin nililikuan!

7.] Ang aking kambal habang naglalaro ng makabagong Pacman. In fairview naka 3d na si pacman hindi na siya mukang picha pie..

8.] Highway sa gabi.

9.] Tambay sa ilalim ng date palm.

10.] Sundown baby!

11.] Kuya and Nic doing ballet struts.. goodluck!

12.] Ate Del, Anish our driver, and mee.

13.] Smiley sa loob ng cpu ni Patchi - ang pangalan ng aking pc.

14.] Hardscape at Softscape sa mansion ni Salah.

15.] Sheikh Zayed Road sa dapit hapon.

16.] Ang Author na pacute.

17.] Dubai's cbd on one foggy morning..

18.] Starry starry road.

19.] Ang mga date palms. bow.

20.] ang aking mga kuko. kakatapos ko lang gupitin gamit ang anking ngipin! haha Bad habits die hard. tss.

21.] Si koyang di ko knowing. Gaya gaya ng tambayan o nagpapapansin lang!? hmpff.

22.] Si Patchi - ang pc na topakin, depende sa trip niya minsan gusto lang niya mag shut down habang gahol nako sa pagrerender o kaya naman minsan kakabukas ko lang e gusto na niya magpahinga ulit! ayus trip mo boy!!! Pero kahit ganyan si Patch mahal ko yan! Gusto kasi neto nichi-cheer siya habang nagtatrabaho..Go Patch [:


Gang sa muli, Paalam!

Dito sa Batibot.. sa batibot.. haha

Monday, March 16, 2009

me and the gimme gimmes


Saturday, March 07, 2009

In this kaleidoscope world...

Ser Kiko!

Hanggang sa muling pagkikita..