Monday, January 05, 2009

sili song.


Miss ko na pinas! Parang yung walong buwan e poreber nah! ]: waa I’m terribly missing home..

Eto weird, imbes na naghahanap ako nga trabaho na maipapalit ko dito sa kung anu meron ako ngayon na muka ng malapit mabangkarote, magsara, at magsibalikan sa India tong mga kasama ko eh trabaho sa Pinas hinahanap ko! Hahaha [: Super jobstreet.com! close na nga kame ni ate Lina eh! [nax first name basis!] napaisip tuloi aku kung totoong pangalan nya yun or alias nya lang? o kaya anu kaya hitsura nya? Hehe

Nakakabaliw kasi dito magdadalawang buwan na ata ako “bum” - pero pumapasok pa rin naman ako at sumasahod [kahit ngayon na delay ang sahod namin]. Pero eto malupet.. Nung bagong taon, waa napaka tahimik! Ipinagbawal kasi nuong araw na yon yung pagpapaputok o pagiingay bilang pakikiramay daw yun ng mga gulf countries para sa giyera sa Israel. Kaasar. Kakaantok tuloi nung gabing yun. Kakamiss yung mga holidays sa pinas.. Napakasaya!

Naalala ko tuloi.. mukang dalawang buwan na rin ata akung di nakaka nomo. O tatlo? Ewan ko sa sobrang walang inom e nalilimutan ko na kung kelan pa yung huli ko. Shet na malagket! Kumbakit kasi napaka OA ng mga arabo. Abai bawal ba naman maginom sa kung saan saan kundi sa mga bar lamang. Di pa naman aku mahilig sa bar hopping. Mas masaya kasi yung tipong mag sa-shot lang kayu sa tindahan sa kanto o kaya naman e isasabay nyo sa walkathon ang pag ip-ip sa beer na malamig sabay ip-ip din ng lollipop na red!!! Yea! Sarap nun. Ang gara pa ng lasa ng redhorse dito. Abai talaga nga namang sumisipa kahit lagyan mu ng sang baldeng yelo. Sobrang pait! Isa pa, yung isang “in can” ng redhorse dito e katumbas na ata ng dalawang “in can” jan saten. Haha puera biro! Parang umorder ka sa Wendy's tas pina-biggie size mu yung drinks! hehe di ko nga nauubos isang lata nun dito e. Haha beri weird di ba!? Tas wala pang gin dito. Sayang.. sarap sanang kombo neto: gin - buhangin! Oye! [:

Tigang istatmi!? Hehe mejo! Sorry naman.. tao lang!


Kaya kakanta na lang ako.. lalala lala la


“so what am i supposed to do.. nababaliw na ata aku.. alam ku kasi siguru, I just wanna see you!!”


Sana mabuo ulet ang fatal posporos..

0 comments: